Ads gamit ang AdMob

Gamitin ang AdMob sa iyong mga GDevelop game sa Android para magpakita ng ads at reward videos sa iyong mga player.

1) Gumawa ng iyong AdMob account

Pumunta sa AdMob website at gumawa ng account. Pagkatapos, gumawa ng bagong app mula sa AdMob interface at isang ad unit. Itala ang mga identifier ng app at ng ad unit, dahil gagamitin ang mga ito sa iyong laro.

Basahin ang detalyadong instruksyon dito.

undefined

2) I-configure ang AdMob sa GDevelop

Sa GDevelop, buksan ang properties ng iyong laro at i-paste ang AdMob app id. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan na nagpapahintulot sa AdMob na magpakita ng ads sa iyong app.

undefined

3) I-trigger ang pagpapakita ng ads mula sa events

Magdagdag ng events sa iyong laro para i-load at ipakita ang ad kapag kailangan (halimbawa, kapag matagumpay na natapos ang isang level). I-paste ang ad unit identifier sa mga parameter ng action. Maaari mo ring ilagay ang "test" para mag-load ng test ad.


undefined

4) I-publish ang iyong laro sa Android

Maaari mong i-test at i-publish ang iyong laro sa Android direkta mula sa GDevelop. Sa editor, buksan ang iyong laro at i-click ang Publish. Piliin ang Android, i-click ang Package for Android at maghintay ng ilang minuto.

Basahin ang buong tutorial tungkol sa AdMob dito.