Sinusuportahan ng GDevelop ang JavaScript para gumawa ng iyong laro o palawakin ang game engine.
Sinusuportahan ng GDevelop ang pagdaragdag ng mga JavaScript code block saanman sa mga event ng iyong laro. Magandang paraan ito para magpatupad ng komplikadong algorithm o muling gamitin ang mga function mula sa mga open-source na library. Maaaring paghaluin nang maayos ang mga event at code block - kaya maaari mong ipatupad ang mga bahagi o kahit ang kabuuan ng iyong laro gamit ang JavaScript!
Nakabatay ang JavaScript editor sa napakalakas na Monaco Editor, na hinango mula sa Visual Studio Code. May mga Intellisense autocompletion at sinusuportahan ng editor ang mga advanced na feature gaya ng multi-selection para sa mas mabilis na pag-code.
Alamin pa ang tungkol sa paggamit ng JavaScript.
Modular ang GDevelop at maaaring palawakin para umangkop sa iyong pangangailangan. Sa partikular, ang lahat ng feature na available sa mga laro (mga object, behavior, event) ay nakabatay sa extension system. Mabilis kang makakagawa ng mga bagong extension para sa iyong laro o makakapag-ambag sa mga umiiral na dahil open-source ang GDevelop.
Alamin kung paano magsulat ng mga extension na pinapagana ng JavaScript at basahin ang reference documentation ng game engine.
Panghuli, tandaan na sa karamihan ng kaso ay hindi mo na kailangang umalis sa GDevelop para magsulat ng extension sa JavaScript, dahil karamihan ng extension ay maaaring gawin sa editor, direkta sa iyong game project.